Advertisers

Advertisers

Andrea ‘di nanghinayang sa pagkatsugi ng serye nila ni Derek

0 309

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BIRTH month ngayon ni Andrea Torres kaya naman ang mga post nito sa kanyang socmed account eh pansin na tila totally move on na ito.

Sinagot din ng aktres si Derek Ramsay sa pagdamay nito sa kanyang pamilya.



Pero makikita naman ang mga post ni Andrea na puro postive vibes na lang ang mga post sa kanyang socmed.

Gusto naman nito na happy para sa kanyang paparating na kaarawan.



Kaya naman napansin na ang kanyang posted pics ay naka-smile at tila papunta na ito sa paglimot sa nakaraan nila ni Derek.

May project sana silang pagsasamahan pero dahil sa hiwalayan ay kinansela na ng GMA-7 ang kanilang pagsasamahan sana na Sanggang Dikit.



Pinaboran na lang ni Andrea na tsugihin na lang ang pagsasamahan sana nila na proyekto sa bakuran ng Kapuso.

At walang pagsisisi si Andrea kung hindi na ito matuloy pa.

Mahalaga raw ay maging positibo ang aktres sa kanyang paparating na kaarawan. Kung move on na si Andrea, may ibang netizens na inis pa rin sa ex ng aktres lalo na ang lampungan sa socmed nina Derek at Ellen Adarna na kinaiinisan ng followers ni Andrea.

***

Maja nakabalik na sana sa ABS-CBN naunsyami pa

KUNDI nga raw sa paninindigan ay nakabalik na sana si Maja Salvador sa ABS-CBN.

Matagal na nga na nanindigan si Maja at simula nang maghiwalay sila ni Gerald Anderson after ng 2 years relationship ay sinabi nito na ayaw na muna niya maka-work  ang ex bf.

Matapos matigbak ang show ng aktres na Sunday All Live sa TV5 eh pagkakataon na sana nito na makatungtong at maging Kapamilya muli.

Inoperan kasi si Maja ng Kapamilya network to do a series at ito nga ang Init Sa Magdamag na ang lead actor ay ang kanyang ex-labs na si Gerald.

Pero imbes na tanggapin ang offer ng dating home network ay tinanggihan nito at niligwak ang offer.

Dahilan ni Maja eh respeto nga raw sa dyowaer nito ngayon na si Rambo at dahil dun eh kumambyo ang isang netizen na ‘di yata nagustuhan ang salitang respeto.

Kaya balik tanong nito kay Maja eh bakit daw nung umeksena ito sa ex-bf ni Kim Chiu na kanyang kaibigan ay hindi raw naisip ni Maja ang salitang respeto at umawra pa rin ito.

Sadya yatang nakapinid na ang pinto ng Kapamilya network para kay Maja dahil sa kanyang pagtanggi ay naunsyami ang kanyang pagbabalik sana as Kapamilya ulit.

Well, well, well…’Yun na!