Advertisers

Advertisers

Retiradong gov’t. employee kulong habangbuhay sa kasong rape

0 197

Advertisers

ARESTADO ang Top 10 Most Wanted Person Provincial Level na 60-anyos at retiradong empleyado sa siyudad ng San Fernando, La Union.
Kinilala ni Police Lt. EmmaRose Estrada, ang Police Community Relation Officer ng San Fernando City Police Station, ang naaresto na si Samuel Gacayan, residente ng Purok 6, Barangay Sevilla, San Fernando.
Sa ulat, hinuli si Cagayan sa bisa ng dalawang warrant of arrest sa kasong panggagahasa at 3 counts na paglabag sa RA 7610 (VAWC).
Ayon kay Lt. Estrada, mismong live-in partner ni Cagayan ang nagreklamo dahil sa panggagahasa at pagmamalupit sa dalawa nitong step daughters noong December 2020.