Advertisers
AMINADO ang Department of Health (DOH) na hindi pa naituturok ang 497K doses ng AstraZeneca vaccine na nakatakdang mag-expire sa darating na Hunyo.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, ang 497K vaccine na ito ay mula sa higit 2 milyong British vaccine na donasyon ng COVAX facility na dumating sa bansa ngayong buwan.
“Today we have already given 1-million doses, and kailangan na lang natin (iturok) yung 500,000 for the first doses, kasi yung other 500,000 are allocated as second dose for those who have given first dose in March,” pahayag ni Cabotaje.
Nabatid na aabot ng walo hanggang 12 linggo ang pagitan ng una at ikalawang dose ng AstraZeneca vaccine.
Dagdag pa ng opisyal, kaya umanong maiturok ang natitirang doses ng bakuna bago ito tuluyang mag-expire sa katapusan ng Hunyo at Hulyo kaya walang dapat ipag-alala.
Sa kasaluyan ay umaabot na sa 170,000 ang nababakunahan kada araw at posibleng maabot ang target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 70 milyong katao upang maabot ang minimithing “herd immunity” sa covid-19. (Jonah Mallari)