Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
IBA talaga ang karisma ni Sanya Lopez! Ngayong araw, umabot na sa 10 million ang bilang ng followers ng aktres sa patok na social media platform na TikTok.
Sa kasalukuyan, siya na ang Kapuso star na may pinakamaraming followers sa TikTok! At talaga namang marami ang nag-aabang sa mga nakaka-aliw na TikTok videos na ina-upload niya.
Aside from her TikTok videos, patuloy lang na tutukan si Sanya bilang Yaya Melody sa ‘First Yaya’, gabi-gabi sa GMA Telebabad at tuwing Sabado bilang Maya sa ‘Agimat ng Agila.’
***
MAS special at memorable ang pagdiriwang ng first anniversary ng official comedy YouTube channel ng GMA Network na ‘YouLOL’ matapos na umabot sa kalahating milyon ang bilang ng subscribers nito.
Mayo ng nakaraang taon nang opisyal na ini-launch ang YouLOL upang magbigay ng exclusive at cutting-edge comedy content sa mga Kapuso.
Patok naman sa viewers ng YouLOL ang good vibes na hatid ng naturang channel dahil as of May 23 ay may over 146 million lifetime views na ito. Bukod pa rito, benta rin ang mga nakakaaliw na videos na hatid ng YouLOL sa kanilang TikTok account na umabot na sa 1.1 million ang followers.
***
INILABAS nitong Sabado (May 22) ang panibagong teaser ng upcoming weekend comedy-gag-variety show na ‘FLEX’ na malapit nang mapanood sa GTV.
Tampok sa teaser ang Kapuso teen stars na magsisilbing ‘FLEX Leaders’ o hosts ng show na sina Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso, at Althea Ablan.
Bawat linggo ay may makakasama silang walong Gen Z artists na sasabak sa musical performances, gags, sketches, at talent competitions.
Samantala, nitong Lunes (May 24) ay opisyal na ang pagbubukas ng online registration para sa mga gustong sumali sa official fan base ng FLEX na kung tawagin ay Flex Squad o ‘Flexers.’
Sa naturang exclusive group ay maaaring mapanood ng fans ang exclusive videos ng kanilang favorite Gen Z celebrities at mag-participate sa ilan pang paandar ng show. Bisitahin lang ang official Facebook page ng FLEX para sa mga karagdang detalye.