Advertisers

Advertisers

Pia inamin, nagka-syota ng sobrang seloso

0 496

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAPAG-usapan nina Pia Wurtzbach, Bianca Guidotti at Carla Lizardo sa isang episode ng podcast  na  Between  Us  Queens  ang mga tinatawag na “`red flag”  sa mga naging karelasyon nila.

Ibinahagi ni Miss Universe Pia na may dine-date siya na lalaki for two years.



“Hindi ko namalayan na mali na pala nangyayari. I thought  that  it  was  normal. And  of course you love  the guy,” paliwanag ni Pia sa tinakbo ng kanilang relasyon bago siya naging Miss Universe.

Ayon pa kay Pia ay sobrang seloso raw ng boyfriend na pinagbabawalan siyang makipagkaibigan sa mga lalaki. Pati raw beki ay pinagseselosan ng boyfriend. Maging ang cellphone niya ay pinakikialaman nito at binubura ang number ng mga male friends niya.



Umabot pa na kailangan daw humingi pa siya ng permiso sa boyfriend bago siya  lumabas  kasama ang mga kaibigan.

“Yung  pag  napu-push  na yung boundaries mo  kahit  di  mo namamalayan,” say ni Pia sa demanding na boyfriend kaya humingi na siya ng space.



Pero dinadaan daw siya sa matatamis ng salita ng bf kaya nakalilimot siya sa katotohanan na may problema siya sa karelasyon.

“He will  always  say, ‘I  wanna  be  with you’ and  in that  moment you think, `oh,  that`s  so  sweet. He just  wants  to be with me, but  later  I  would realize I  had  not  gotten  any work done, seen  her  friends, nor  finished  what  I  needed  to do.

“Sometimes we  don`t  notice  that,  wait  a minute, something  wrong  is  already  happening  but  because  it`s  with  my boyfriend and somebody  who  I`m  supposed  to be trusting, it`s  being  masked.”

Sa kasalukuyan ay masaya si Pia sa businessman boyfriend na si Jeremy Janncey.

***

Net 25 palaban na rin sa pabonggahan ng show at laging handang tumulong sa entertainment press

Pagdating sa pagtulong ay tahimik lang ang ginagawa na pagbibigay ng ayuda sa kapwa lalo na sa entertainment press ng Net 25 thru their PR man Cesar Batingal.

Bukod sa mga show ay bukas din sila sa mga baguhan o sa mga walang project para bigyan ng pagkakakitaan. Sayang nga lang at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Janno Gibbs sa co-host nito kaya pareho silang tinanggal bilang host.

Ngayon ay nagparating ang  Net 25 thru  Mr Batingal ng ayuda sa grupo ng Phililppine Movie Press Club (PMPC).

Hindi hangad ng Net 25 makipagsabayan o makipagkompetensya sa ibang network. Hangad lang  nila ay makatulong sa lahat.

Mabuhay ang Net 25!