Advertisers
PINABULAANAN ng Department of Health (DOH) na mayroong nagaganap na 3rd wave ng covid 19 infection.
Gayunman, kinumpirma ni DOH Spokesman Ma. Rosario Vergeire na kumpirmadong may pagtaas ng kaso ng iba’t ibang covid variants.
Sa tala ng DOH, may 1,071 kaso ng B.1.1.7 UK variant, 1246 case ng South Africa variant, at 13 cases ng India Variant.
Paliwanag pa ni Vergeire, ang pagtaas ng kaso ng covid-19 sa ibang rehiyon ay hindi lamang dahil sa covid variants kundi dahil sa hindi pagsunod sa health protocols, mabagal na aksyon ng mga local government units at paglabas ng mga tao.
Wala rin umano dapat ipangamba ang publiko hinggil sa posibleng third wave dahil sa pagtaas ng kaso sa Visayas at Mindanao.
Dahil dito, pinag-aaralan na ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na higpitan ang quarantine classification sa mga rehiyon may mataas na kaso ng covid-19. (Jonah Mallari)