Advertisers

Advertisers

2 patay sa kidlat sa Cebu

0 235

Advertisers

NASAWI ang isang lola at kanyang hardinero nang tamaan ng kidlat sa may kubo sa Cebu City, Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Nisa Comendador Momo, 70 anyos, may-ari ng RC Garden; at Roselio Cañete, 50, kapwa residente ng Purok Tambis, Barangay Poblacion, Liloan.

Sa report ng Liloan Police Station, 1:30 naganap ang insidente sa may kubo malapit sa mga taniman ng ornamental plants ni Momo.



Ayon kay Police Msgt. Kenneth Perocho ng Liloan Police Station, nasa taniman ng halaman ang mga biktima nang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat.

Dali-daling tumakbo ang dalawa sa may kubo para sumilong subalit inabot parin ang mga ito ng kidlat, sunog ang kanilag katawan.