Advertisers
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa mga government personnel na pisikal na pumapasok sa kanilang trabaho habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Nakasaad sa ilalim ng Administrative Order no. 43 na nilagdaan ni Pangulong Duterte nitong Hunyo 2, 2021, hindi dapat lalampas sa P500 ang dapat na ibigay sa mga empleyado ng national government, GOCCs at maging State Universities and Colleges (SUCs).
Pasok dito ang mga regular, contractual o casual positions, maging ang mga contract of service (COS) at Job Order (JO).
Kailangan lamang matiyak na otorisado ang pagpasok ng mga ito sa kanilang tanggapan at pasok sa official working hours habang umiiral ang ECQ at MECQ.
Para naman sa mga kawani ng mga LGUs o barangay, ang kanilang Konseho ang magdi-determina ng hazard pay na igagawad sa mga ito at batay sa kanilang financial capability pero hindi dapat lalampas ng P500. (Vanz Fernandez)