Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 5,257 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Hunyo 2.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,266 na gumaling at 146 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.2% (52,132) ang aktibong kaso, 94.1% (1,167,426) na ang gumaling, at 1.71% (21,158) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Mayo 31, 2021 ngunit mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.13% sa lahat ng samples na nai-test at 0.15% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)