Advertisers
TULOY-TULOY lang ang pagpaparami ng mga Malasakit Center sa buong bansa.
Ito ang tiniyak ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go kasunod ng pagpapasinaya ng ika-117 na sangay ng Malasakit Center sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City.
Sinabi ni Go na nakasaad sa Malasakit Center law na malagyan ng Malasakit Center ang 72 DOH-run hospitals, Philippine General Hospital at mga provincial hospitals na makakasunod sa mga criteria na itinatakda ng batas.
Ayon kay Go, layunin ng Malasakit Center na makatulong sa mga mahihirap na pasyente.
Hinimok ni Go ang mga kababayan na lumapit sa mga Malasakit Center dahil ito ay para sa mga indigent at walang pampagamot
Hindi maitago ni Go ang kasiyahan dahil umabot na sa 117 ang sangay ng Malasakit Center na sinimulan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Mylene Alfonso)