Advertisers

Advertisers

Roque handang tumakbo sa senatorial race sa 2022 elections

0 196

Advertisers

HANDANG tumakbo bilang Senador sa 2022 elections si Presidential Spokesman Harry Roque.

Ito ang inihayag ng opisyal nitong Miyerkules sa kanyang regular press briefing.

Aniya, tatakbo siya sa ilalim ng Administrasyon kung sakaling tatakbo bilang Presidente si Davao City Mayor at Presidential daughter Sara Duterte.



Dagdag pa ni Roque, sa kanyang pagkakaalam ay hindi tatakbo si Mayor Sara at umaasang magbabago pa ang isip nito.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsabi na ayaw niyang tumakbo si Mayor Sara dahil hindi nito deserve ang batikos ng mga kritiko.

“Kung tatakbo po si Mayor Inday Sara, sigurado po ako hindi siya tatakbo ng vice president, pero kung hindi po tatakbo si Mayor Inday Sara ay palagi naman po niyang sinasabi na at sinabi na rin po ni Sen. Bong Go na kapag hindi tatakbo si Mayor Inday Sara pupuwedeng tumakbo si Sen. Bong Go pero tatakbo lang siya kung katambalan niya si Presidente Rodrigo Roa Duterte,” ani Roque. (Jonah Mallari)