Advertisers

Advertisers

Duterte kay Quiboloy: ‘Di na ako tatakbong VP, magreretiro na ako’

0 282

Advertisers

WALA na umanong interes sa pulitika si Pangulong Rodrigo Duterte partikular ang pagtakbo bilang bise presidente sa 2022 national elections.

Pahayag ito ni Pangulong Duterte kasunod ng panawagan at resolusyon ng kanyang partidong PDP-Laban na humihikayat sa kanya para tumakbo sa vice presidential race at siya ang pipili ng kanyang presidential candidate.

Sa panayam ni Pastor Quiboloy nitong Martes ng gabi, nakahanda na siyang mag-retiro at uuwi na sa Davao pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.



Sinabi ni Pangulong Duterte, kapag siya kasi ang pipili ng kanyang magiging runningmate sa pagka-presidente at mananalo sila, sasabihin lalo ng mga kritiko na nais lamang nitong manatili sa kapangyarihan.

Kaya tinatanggihan daw nito ang mga panawagang tumakbo sa pagka-bise presidente at ipaubaya na lamang sa iba.

Mayroon na raw napipisil si Pangulong Duterte na papalit sa kanya at magpapatuloy ng kanyang pamana o mga nasimulan at posibleng papangalanan nito sa takdang panahon.

Inihayag ni Pangulong Duterte na ang kanyang magiging kandidato ay hindi basta-basta, bagkus may kakayahan talaga dahil hindi biro ang presidency o pagka-presidente ng bansa. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">