Advertisers

Advertisers

Covid update: 6,426 bagong kaso; 7,145 gumaling; 57 nasawi

0 463

Advertisers

TUMAAS pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,426 na karagdagang kaso nitong Lunes, Hunyo 15.

Samantala ay mayroon namang naitalang 7,145 na gumaling at 57 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.5% (59,096) ang aktibong kaso, 93.8% (1,240,112) na ang gumaling, at 1.73% (22,845) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 12, 2021 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 1.9% sa lahat ng samples na naitest at 2.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)