Advertisers

Advertisers

PDEA naalarma sa pagtaas ng drug trafficking cases gamit ang delivery courier service

0 275

Advertisers

AMINADO si PDEA Director Gen. Wilkins Villanueva na tumaas ang kaso ng drug trafficking trend sa bansa gamit ang mga delivery courier services na siyang ginagamit ngayon ng mga sindikato para sa pag-transport ng kanilang mga iligal na droga.

Dahil dito ang mga inosenteng drivers na siyang tumanggap ng delivery services ay nagiging courier na ng iligal na droga ng hindi nila namamalayan.

Ayon kay Villanueva ang paggamit ng delivery service platforms para mai-transport ang mga kontrabando ay siyang trend at modus ng mga drug syndicate para tuloy pa rin sa pamamayagpag ang kanilang illegal drug trade.



Ito kasi ang nakikita nilang mabisang paraan sa pag-transport ng mga droga para hindi agad mahuli.

Dagdag pa ni Villanueva, karamihan sa mga nahuhuli nila sa anti-illegal drug operations ay mga drivers ng delivery courier services.



Dahil dito, lumagda ng isang memorandum of agreement (MOA) ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Wallstreet Courier Services Incorporated o mas kilala bilang Ninja Van.

Layon nito para tugunan ang problema sa drug trafficking trend kung saan ginagamit ang mga delivery courier services.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">