Advertisers
NABABAHALA ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa posibleng pagkakaroon ng electronic vote buying sa nalalapit na 2022 general elections, lalo na ngayong halos cashless na ang lahat ng mga transaksiyon sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Reaksiyon ito ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa naunang babala ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Guillermo Eleazar na posibleng samantalahin ng mga kakandidato sa halalan ang paglaki ng digital platforms at e-wallets sa bansa upang makabili ng boto.
Ayon kay Jimenez, ayaw niyang maging ‘alarmist’ ngunit sa tingin niya ay tama si Eleazar sa pahayag nito.
“Not to sound alarmist, but I think the general is correct. We’ve been saying that as much for the longest time. Ever since people started using e-wallets, we’ve seen that potential,” dagdag pa ni Jimenez sa panayam sa telebisyon.
“In fact, especially with the onset of the pandemic, we’ve seen that majority of transactions have actually moved into that regime, into online transactions. Obviously, that’s keeping us up late at night,” ayon pa kay Jimenez.
Sakaling magkaroon nga ng vote buying sa pamamagitan ng mga e-money transfers ayon pa kay Jimenez ay hindi ito kayang resolbahin ng Comelec at PNP lamang at dapat aniyang maging common effort ito ng lahat ng mga ahensiya na may kaugnayan dito.
Ang national and local elections sa bansa ay nakatakdang idaos sa May 9, 2022. (Andi Garcia)