Advertisers

Advertisers

DFA nagbabala kontra online passport appointment

0 303

Advertisers

NAGBABALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na huwag patulan ang mga nagkalat sa social media na nag-aalok ng slot sa pagkuha ng pasaporte.

Ito ang tugon ng DFA hinggil sa ilang indibidwal na nagpunta umano sa kanilang tanggapan matapos makakuha ng slot sa passport appointment sa pamamagitan ng mga transaksyon sa social media.

“We want to assure the public that ten temporary satellite offices will be opened very soon to create additional passport appointment slots,” ani DFA Undersecretary Brigido Dulay.



Giit ng DFA, ang opisyal nilang website na www.passport.gov.ph ang dapat puntahan ng mga nais mag-apply ng pasaporte at hindi ang anumang anunsyo o post sa social media.

Ang mga post at patalastas umano sa social media ay sinasamantala ang pagdami ng mga aplikante para sa pasaporte.



Gayunman, magbubukas ang DFA ng 10 pansamantalang satellite office. (Josephine Patricio/Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">