Advertisers
NAKAHANDANG suportahan ng PDP Laban si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 Presidential elections.
Sinabi ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles bagama’t hindi miyembro ng ruling party si Mayor Sara.
Ayon kay Nograles, miyembro ng PDP Laban, bahala ang Pangulong Rodrigo Duterte bilang National Chairperson na magrekomenda sa partido nang isasabong na presidentiable subalit ang desisyon ay dadaan sa proseso ng partido.
Nakatakdang isagawa sa Hulyo 16 ang National Council Meeting ng PDP laban at kinabukasan nito ang National Assembly ng Ruling Party.