Advertisers

Advertisers

Libreng sakay sa Edsa bus carousel tinapos na ng LTFRB

0 208

Advertisers

TINULDUKAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang libreng sakay sa EDSA bus carousel kung saan maniningil na sila ng pamasahe simula bukas, Hulyo 1.

Sa anunsyo ni LTFRB Chairman Martin Delgra, huling araw na ngayon ng pagkakaroon ng libreng sakay.

Papatak naman sa P13.00 hanggang P61.00 ang pamasahe sa bus carousel.



Ang libreng sakay ay bahagi ng service contracting program ng Department of Transportation at LTFRB sa ilalim ng Bayanihan 2 na nagpaso na rin ngayong araw.

Tiniyak ni Delgra na susubukan ng ahensya na ibalik ang libreng sakay ngunit hindi ito tiyak kung kailan. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">