Advertisers

Advertisers

DIGONG SILIP ANG P2.2-B TAX CASE VS PACQUIAO

Matapos ibunyag na triple ang korapsyon sa Duterte administration

0 323

Advertisers

BINIRA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao at inungkat ang P2.2-bilyon tax evasion sa ginanap na pulong ng PDP-Laban nitong Martes.

“I do not talk about the others… Ito lang si Pacquiao because out of the blue he blurted out na corrupt so I am forced to… By the way, mayroon akong… I remember he has a tax evasion case,” ani Pangulong Duterte.

Nilinaw ni Duterte na ginawa niyang banggitin ang tungkol sa usapin ng buwis ni Pacquiao dahil sa pahayag ng senador tungkol sa katiwalian sa gobyerno.



“He has been assessed to pay P2.2 billion ang utang niya na hindi niya nabayaran [buwis] ang gobyerno,” pahayag pa ng Pangulong Duterte.

Bagama’t paglilinaw ng pangulo na wala siyang planong habulin ang senador tungkol sa naturang usapin.



“Not because gusto ko siya habulin but sabi kasi niya corrupt. E, kung corrupt kami, e ikaw, when you cheat government you are a corrupt official,” sabi pa ng Pangulo.

Hindi na idinetalye ng punong ehekutibo ang tungkol sa mga buwis na hindi umano nabayaran ni Pacquiao.



Matatandaan na noong 2018, nakakuha ng paborableng desisyon si Pacquiao sa Court of Tax Appeals tungkol sa P2.2 bilyong tax assessment.

Sa naturang desisyon noong Hulyo 2018, pinigilan ng First Division ng tax court ang Bureau of Internal Revenue sa pagkolekta sa multi-bilyon-peso tax deficiency laban kay Pacquiao at sa asawa nito na si Jinkee para sa taong 2008 at 2009, habang nakabinbin ang civil case.

Noong Hulyo 2013, naglabas ang BIR sa pamumuno ni dating Commissioner Kim Jacinto-Henares ng freeze order laban sa kita ni Pacquiao ukol sa kaniyang tax liability na nagkakahalaga ng P2.26 bilyon. Umabot pa sa P3.3 bilyon dahil sa penalties at surcharges.

“Respondent is hereby ordered to cease and desist from implementing the subject FDDA (Final Decision on Disputed Assessment) and from collecting the subject deficiency tax assessments issued against petitioners for taxable years 2008 and 2009 for lack of merit,” nakasaad sa resolusyon ng CTA noong July 27, 2018. (Josephine Patricio)