Advertisers
Advertisers
Advertisers
NAGHAIN ng resolusyon si TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza para magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara sa working conditions ng mga delivery rider para sa mga online platform-based companies at iba pang region-based providers.
Kaugnay pa rin ito ng ipinataw na 10 year suspension ng food hailing app na Foodpanda sa kanilang delivery riders na ipinoprotesta ang kanilang compensation policy.
Sa ilalim ng House Resolution 1974, inaatasan ang House Committee on Labor and Employment na silipin ang working conditions ng online platform-based delivery riders at alamin kung mayroon bang employer-employee relationship sa pagitan ng riders at online platform.
Ayon kay Mendoza, kinikilala nila ang ambag sa empleyo ng online platforms lalo na para sa mga displaced workers dahil sa pandemiya.
Ngunit hindi maaaring palampasin na itinuturing lamang bilang independent contractors ang delivery riders na siyang mas lantad sa panganib tulad ng aksidente at COVID-19.
Dagdag pa nito na kung susundin ang “control test’ sa ilalim ng labor relations ay maituturing na mga empleyado ng online platforms ang riders at dapat ay entitled sa mga benepisyo. (Henry Padilla)