Advertisers

Advertisers

Magka-angkas sa motorsiklo patay sa banggaan

0 250

Advertisers

NASAWI ang rider at angkas nito sa motorsiklo nang bumangga sa isang truck sa Barangay Guihing, Hagonoy, Davao del Sur, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Crisnol Sulutan at angkas nitong si Ever Delatina.

Sa ulat, bigla nalang bumangga sa likod ng truck ang motorsiklo na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng dalawang sakay.



Ayon sa mga nakakita sa aksidente, mabilis ang takbo ng motorsiklo at nag-overtake pa ng pedicab bago nabangga sa truck.

Nasa pangangalaga na ng Hagonoy Municipal Police Station ang driver ng truck.