Advertisers
PUMANAW ang 65-anyos na konsehal nang makaranas ng komplikasyon dulot ng Covid-19 nitong Lunes sa Mandaue City, Cebu.
Sa ulat, nakapag-post pa ang konsehal na si Carmelino “Jun” del Mar sa kaniyang Facebook page noong Hulyo 22 na nahawa siya at ang kaniyang asawa ng COVID-19.
Hinikayat ng opisyal ang kanilang mga close contact na sumailalim sa isolation.
Ayon sa ulat, Lunes ng umaga namatay si del Mar.
Kinumpirma ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes na kumplikasyon sa Covid-19 ang ikinamatay ni del Mar.
“Confirmed positive siya, na-Covid din siya. At sa pagkakaalam ko, nagkaroon ng cardiac,” sabi ni Cortes.