Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ISANG psychedelic thriller movie ang latest na handog ni AJ Raval para sa kanyang mga followers, ang ‘Taya’ na muli niyang makakatambal si Sean de Guzman at mapapanood sa Vivamax, ktx.ph, iWantTFC at TFC IPTV.
Tumatalakay ito sa online betting sa isang sugal sa internet na ang nakapusta ay ang alindog ng babae. Naging isang malaking hamon para kay AJ ang naturang pelikula simula palang ng ito ay ialok sa kanya ng Viva Entertainment, dahil sa may nakaraan siya sa kanyang personal na buhay na may kaugnayan sa sugal.
Sugarol din ba si AJ noong wala pa siya sa showbiz?
“Ako po wala po akong experience na nagsugal. Hindi po ako marunong magsugal,” say ni AJ.
So, ano ang naging motibo niya para masabing isang malaking hamon na gawin ang ‘Taya’, dahil sa hindi siya marunong magsugal?
“Meron po akong naging boyfriend na nagsusugal. Dahil po sa sugal, nagkabaon-baon po siya sa utang hanggang sa ako po ’yong na-stress magbayad sa mga utang niya.
“Parang gusto ko po sa kanyang ipanood itong ‘Taya’ at gusto ko pong isampal sa kanya itong movie na ’to para matuto po siya. Matutunan niya na wag maging sugapa sa lahat ng bagay dahil lahat po ng sobra, masama,” dagdag pang say ni AJ.
Bago pa man sumabak sa showbiz si AJ ay nakipaghiwalay na siya sa dating boypren na sugarol at ginawa siyang tagabayad ng utang nito sa sugal.
Watch more blockbuster movies and shows when you subscribe to VIVAMAX. Subscribe using VIVAMAX app via Google Play Store and App Store. For only P29, you can unli-watch for three days, P149/month, and P399 for 3 months for bigger savings! You can pay through GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya or PayPal account that’s linked on your Google or Apple account.
***
MUKHANG todo na to the highest level ang pagiging maybahay at ina ni Rufa Mae Quinto sa kanyang mag-ama sa Amerika. Inienjoy na niya ng todo ang kanyang simpleng buhay sa Amerika.
But then, aminado rin naman si Rufa Mae, na kahit masaya at kuntento sa buhay niya ngayon ay dumarating din ang time na nami-miss niya ang mga bagay dito sa bansa na kanyang tinamasa noon.
“I miss the food and people in the Philippines, mga shoes and jewelries. Showbiz na miss ko acting and glam, ang ilaw and script and co-actors and co-workers,” saad ni Rufa Mae.
At sa health crisis na pinagdaraanan ngayon sa halos buong mundo, masasabi rin ni Rufa Mae na kahit paano ay okey daw din naman ang buhay nila sa Amerika , na may mataas na casualties sanhi ng COVID-19 pandemic.
Sa kabila nito, ayon pa rin sa komedyana ay less restrictions, maraming tulong na pinansyal mula sa kanilang gobyerno. At mayroon lots of places to visit kasama ang kanyang family kahit pa may ongoing COVID-19 pandemic.
“Best thing in the USA mas open, more ayuda and magkasama kaming family. Open and maraming pasyalan,” dagdag pa ni Rufa Mae.
At sa takbo ng pangyayari ay tila niyayakap ni Rufa Mae ang kanyang bagong buhay sa piling ng kanyang pamilya. Ang tanong, tuluyan na nga kayang sa Amerika na siya mamalagi? Read between the lines.