Advertisers

Advertisers

Isko nahalal na pangulo ng Aksyon Demokratiko

0 456

Advertisers

NAHALAL bilang pangulo ng Aksyon Demokratiko si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, pahayag ng partido nitong Huwebes.

Si Domagoso ay nahalal sa general membership meeting ng partido noong Martes, August 10.

Dinaluhan ang pagpupulong ng co-founder ng partido na si Sonia Roco at Executive Vice-President at Pasig City Mayor Vico Sotto.



Sinabi ni Domagoso na isang malaking karangalan para sa kanya na mahalal bilang pangulo ng isang partido na may tunay na pagmamalasakit sa sambayanang Pilipino.

Dagdag pa ng alkalde, masaya siya na marami sa mga layunin ng kanyang lokal na partido, Asenso Manileño, at Aksyon Demokratiko ay nakahanay.



“Pangunahin dito ang pagsusulong sa MBN o minimum basic needs: pabahay, trabaho, pagkain, edukasyon at kalusugan para sa ating kababayan,” ayon kay Domagoso.

Kumpiyansa ang partido na makakatulong si Domagoso na pangunahan ang partido bilang nagkakaisang puwersa, isang kapaligiran ng mabibigat na polarisasyon sa politika.



Samantala, nahalal naman bilang Vice President for Internal Affairs si Manila City Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Nakatakda sanang manumpa si Domagoso bilang miyembro ng partido noong August 5 ngunit nakansela dahil kailangan nitong tugunan ang nangyaring kaguluhan sa mga vaccination sites sa Maynila.

Bago maging miyembro ng Aksyon Demokratiko, si Moreno ay miyembro ng National Unity Party (NUP) at nagsilbi bilang Vice Chairman for Political Affairs. Nagbitiw ito noong August 4. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)