Advertisers
BUWELTA ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-resign siya sa mga panawagan na magbitiw siya sa puwesto.
“Na kay Presidente ‘yan… Siya naman ang may ayaw na mag-resign ako ever since,” ani Duque matapos kumalat ang panawagan na magbitiw siya matapos masilip ng Commission on Audit ang maling paggamit ng DOH sa P67.32 bilyong pondo nito para sa COVID response.
Nanindigan si Duque na pinili siya ng Pangulo na pamunuan ang DOH dahil sa mga karanasan niya sa pamahalaan.
“Alam mo ang nag-appoint sa akin si Pangulong Duterte, inanyayahan niya ako andoon ako sa aking lalawigan, nanahimik at ako’y inimbitahan, inanyayahan ako na tumulong sa kanyang administrasyon,” wika niya. (Josephine Patricio)