Advertisers
People with good intentions make promises. People with good character keep them. — Unknown
UMABOT ng 25 taon ang paghihintay para kay Olympic silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco upang maramdamang may pag-asang matatanggap niya na kahit maliit na bahagi man lang ng pinangako sa kanya makaraang bigyan ng karangalan ang ating bansa sa boksing sa Atlanta Olympics noong 1996.
Edad 22-anyos lang si Onyok nang mapanalunan niya ang pilak at ngayo’y 47-anyos na siya, ang nakilala Kong simple at mahinahon pa ring magsalitang head trainer may pito hanggang walong taon na ang nakalipas sa Insider gym ng kaibigan kong taga-Swedenna na si Krischter Bigander sa itaas ng kanyang kilalang estobar at hotel sa Burgos area ng Makati City.
Najatakdang tumanggap siya ng kalahating milyong piso sa gitna ng mga ulat na pinoproseso na ngayon ng Tanggapan ng Pangulo ang probisyong pinansyal na tulong para kay Velasco sa pagbibigay niya ng karangalan sa ating bansa sa Atlanta Games dalawang dekada at kalahti ang nakalipas .
Salamat kay dating special assistant ni Pangulong Rodrigo Duterte at first-time senator Christopher ‘Bong’ Go, na chairman ng Senate committee on sports, at naging positibo ang matagal nang nabalam na pabuya para Jay Onyok.
Matapos na manalo ng pilak sa Olimpiyada, bumaling siya Onyok sa showbiz para maka-survive at masuportahan ang kanyang mga pangangailangan hanggang sa makaharap ko siya sa kauna-unahang pagkakataon sa L.A. Café sa panulukan ng Romeo Salas at M.H. Del Pilar sa Ermita, Manila, at kalaunan sa gym ni Krischter sa Makati.
Dating paboritong tambayan ang L.A. Café dahil sa inuman at paglalaro ng bilyar at dito ko rin nakilala ang unang boksingerong nagpatumba sa ating fighting senator na si Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa katauhan ni Rustico Torrecampo at maging si Pacman mismo at ang kanyang kapatid ba naglaro ng ilang exhibition game ng eight-ball, at gayun din ang kumpareng ‘The Magician’ Efren ‘Bata’ Reyes.
Ayon kay Onyok, aabot sa PhP2.5 milyon ang dapat niyang matanggap batay sa mga pangako ng ilang miyembro ng Kongreso noong 1996, bukod pa ang scholarship grant para sa kanyang mga anak. May isa ring negosyanteng nag-commit ng PhP10,000, na hindi nagpatuloy makalipas ang is ang taon.
Umaasa si Senador Go na ang financial na ipagkakaloob ng pamahalaan ay makakatulong sa kanya.
“Sa panahon ni Pangulong Duterte, binibigyan natin ng importansya, suporta, at insentibo ang mga atleta natin lalo na yung mga nagtatagumpay sa Olympics ngayon. Bigyan rin dapat natin ng karampatang pagkilala ang mga atleta natin katulad ni Onyok na nangangailangan ng tulong natin ngayon,” ani Go.
“Nakapagdala ng honor si Onyok sa ating bansa, Napaglipasan lang ng panahon ang ibang mga ipinangako sa kanya. Kaya ako nakikiusap sa gobyerno na mabigyan siya ng konting tulong bilang pagkilala rin sa kanyang accomplishment noon,” dagdag nito.
Nakakalungkot isipin na ang ating mga bayani sa palakasan—matapos ibigay ang lahat para sa sambayanan—ay hahantong sa mga pangako na kapag minalas-malas ang tatanggap ay nauuwi sa wala.
Malaki ang paghihirap na dinadaanan ng ating mga atleta sa kabila ng kakulangan ng suporta, pagsadanay at pondo. Salamat sa tiwaling sistema na kumakalawang sa ating national sports program at pumipigil sa ating pagunlad sa larangan ng pandaigigang sports.
Narinig na natin ang mga hinaing ng ating mga pambato sa Olympiyada subalit naririnig nga ba natin ang mga ito?
Sa ating kaisipan, ang bahagyang pagtupad sa pangako kay ay pahiwatig lamang na may katitohanan din ang pagbibiro ng ilang mga politiko: Aba’y napangakuhan na e dapat pa bang tuparin!?
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat