Advertisers
GENERAL SANTOS CITY – Lima na ang nahuli habang isa pa ang pinaghahanap na suspek sa ‘gang rape’ sa isang menor de edad.
Sinabi ni Major Patrich Elma, hepe ng Makar Police station, patuloy na pinaghahanap ang isa pang suspek na si Jomar Maramara ng Barangay Apopong sa lungsod nang ituro na sa bahay nito nangyari ang krimen.
Sa ulat, dumulog sa presinto ang biktima kasama ang kanyang pinsan at isinumbong pangyayari.
Ayon kay Major Elma, nagpakilala ang suspek na si Maramara na isang barangay tanod sa kaibigan ng biktima na isa ring menor de edad.
Inimbita ang dalawang babae at pinasakay sa sasakyan ng barangay at dinala sa bahay ng suspek at doon ay dumating ang limang lalaki na ang dalawa ay mga menor de edad at pinilit na uminom ang biktima hanggang malasing at nangyari ang panggagahasa.
Nalaman na anak ng dati barangay kagawad ang isang suspek kaya’t nakapasok sa barangay bilang driver.