Advertisers

Advertisers

Pacquiao at Ugas parehong nasa Las Vegas na

0 247

Advertisers

NASA Las Vegas na si Sen. Manny Pacquiao, limang araw bago ang malaking laban kontra Olympian na si Yordenis Ugas ng Cuba.

Sa darating na Linggo na ang WBA welterweight championship ng dalawa.

Kasama ng fighting senator na dumating sa Las Vegas ang kanyang misis na si Jinkee at anak.



Taliwas sa mga dating nakagawian na engrandeng convoy kasama ang costumbuilt na bus mula sa Los Angeles patungo ng Vegas ay hindi na ito nangyari.

Sakay ang fighting senator sa black Mitsubishi SUV na inabot din ng apat na oras ang biyahe.



Hindi na rin kasi sa paborito niyang MGM Grand Arena ang venue ng laban ni Pacman kundi sa mas malaking T-Mobile Arena na home venue ng National Hockey League’s Vegas Golden Knights na kayang magkasya ang 20,000 fans.

Sa kabila nito sa MGM Grand Hotel & Casino maghaharap para sa final press conference sina Pacquiao at Ugas sa Huwebes.



Kung sakali ito ang unang pagkakataon na personal na magkakaharap ang magkaribal.

Sa Sabado naman ng umaga gaganapin ang final weigh-in ng dalawa.

Samantala una namang dumating sa Las Vegas si Ugas at nag-post pa ito sa kanyang tik tok habang nasa kotse na mistulang manghang mangha sa promosyon ng kanilang laban .