Advertisers
SA buong buhay ng 32-anyos na si Buboy, wala siyang duda sa kaniyang pagkatao na isa siyang lalaki. Kaya naman nagtataka siya kung bakit mayroon siyang buwanang dalaw o regla.
Kuwento ni Buboy, nagsimula siyang reglahin sa edad 14-anyos.
Ang inakalang minsanan lang na pagdurugo, naging buwanan na kung mangyari.
Kapag nagkakaroon daw siya ng “dalaw,” masakit ang kaniyang katawan, walang ganang kumain at mas gusto na lang niyang magpahinga.
Sa tuwing may regla, sinasapinan ni Buboy ng tela ang kaniyang brief bilang pasador dahil nahihiya itong bumili ng sanitary napkin.
Dahil sa kaniyang sitwasyon, kung minsan hindi pumapasok sa eskuwelahan ni Buboy dahil sa hiya.
Ang problema sa pagkakaroon ni Buboy ng regla, dala-dala niya hanggang sa kaniyang paglaki at nang magkatrabaho.
Apektado rin ang kaniyang love life.
Nang malaman ng kaniyang nobya ang kaniyang lihim at hindi sila magkaanak, iniwan siya nito matapos magsama sila ng apat na taon.
Dahil kapos sa pera si Buboy, kahit minsan hindi pa raw siya nakapagpatingin sa duktor. Inamin din niya na lumalabas ang dugo sa kaniyang puwetan.