Advertisers
DINAKIP ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang barangay chairman, na umano’y financer ng New People Army, matapos makuhanan ng granada sa San Vicente, Palawan.
Kinilala ang barangay official na si Lovicel Bonggat, 45, kapitan ng Purok Pag-asa, Brgy. Caruray, San Vicente.
Ayon kay Major General Albert Ignatius Ferro, drektor ng CIDG, isinagawa ang operasyon ng mga elemento ng CIDG Palawan Provicial Field UNIT, 1st Palawan Provincial Mobile Force, at San Vicente Police Station sa Brgy Caruray sa bisa ng search warrants na ipinalabas ni Judge Anna Leah Y. Tionson-Mendoza ng RTC Branch 164, 4th Judicial Region, Roxas, Palawan.
Nakuha kay Bonggat ang isang fragmentation grenade at 2 rifle grenades.
Kabilang si Bonggat sa listahan ng Palawan Provincial Police Office na sangkot sa pag-finance sa mga rebelde.
Mahaharap si Bonggat sa kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal Possession of Explosives) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law).(Mark Obleada)