Advertisers
NAGA CITY – Isang negosyante ang natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang kotse sa Eco-Tourism Road Purok Bagong Buhay, Barangay Ibabang Talim, Lucena City.
Kinilala ang biktima na si Ferdinand Gerbas Gallioso, 40 anyos, ng Purok San Francisco, Red-V, Barangay Ibabang Talim.
Sa imbestigasyin ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), pinagbabaril ang biktima habang nasa loob ito ng kanyang sasakyan. Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon, tinitingnan ang alitan sa negosyo na motibo sa krimen.
Nabatid na sangkot si Gallioso sa iligal na pagti-trade ng krudo sa kanilang lugar.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng kalibre .45 na baril.