Advertisers
ILOILO CITY – Nalalagay ngayon sa kontrobersiya ang dating director ng Iloilo City Police Office at ngayo’y hepe ng Regional Staff ng Police Regional Office 6 na si Colonel Martin Defensor nang itinuturong utak sa pagpatay sa call center agent at nagmamanipula sa slay case ng anak ng isang kongresista.
Ayon kay dating Assemblyman at Banat Partylist representative Salvador Britanico, si Col. Defensor ang mastermind sa pagpatay kay Muller sa Cuartero, Jaro noong Enero 19, 2020.
Ayon kay Britanico, si Defensor rin ang utak sa pagmamanipula sa pagpatay sa anak niya na si Delfin sa Nabitasan, La Paz, Iloilo City, ilang minuto matapos mapaslang si Muller.
Anya, mismong si Police Corporal Joseph Andrew Joven na isa sa mga salarin sa twin shooting incidents ang umamin sa kaugnayan ni Defensor sa krimen.