Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Marami ang naloka sa naging rebelasyon ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin.
Ipinareklamo kasi siya ng kanyang dating manager at customer na si Elzen Estores tungkol sa kanyang mga prediksyon.
Ani Elzen, kakatwa raw ang pag-iilusyon ni Baldwin na magiging leading lady siya ng sikat na actor na si Piolo Pascual.
Sa kanya namang Facebook page, nagbigay si Baldwin ng reaksyon pagkatapos na ireklamo siya sa ere ng dating confidante sa recent episode ng “Raffy Tulfo in Action.”
Nag-react pa nga ang dating manager kung bakit siya naniwala na may nagkainteres na kunin siyang leading lady ni Papa P.
“Ewan ko kung bakit ako naniwala, kinukuha daw siyang leading lady ni Piolo Pascual,” sey ni Elzen “Basta ‘yun po lagi niyang sinasabi sa amin,”pahabol niya.
Sa kanya namang Facebook page, hindi napigilan ng psychic na nai-feature sa KMJS tungkol sa mga naging akusasyon sa kanya.
“Walang problema see you in court with a lot o Anex, tingnan natin kung sino ang sinungaling Godblessang visionary kailanman hindi manghuhula kung ano lang pinakita sa akin hanggang dun lang malalaman ko dahil still GOD WISDOM ang masunod Kung di pinakita ng DIOS sa akin mangyari isa lang ibig sabhin nyan .pinakita nya kung ano anong klaseng tao sa mundo na meron tayo.
“GOD IS GOOD #125 years old ???haba naman ng vision mo sa sarili mong buhay baka naman bigay mo habang buhay sa akin haba buhay mo te oy ate wala akong sinabi babae apo mo ah sabi ko lalaki kaso mapilit ka sa babae kasi pangarap mo ea wag ka makipag usap kahit kanino pag ikaw lashing ok ate ? GOD BLESS anyway wag nyo naman idamay si Piolo Pascual idol ko po yon bindi ko magamot ang mga kasinungalingan nyo pati inggit lahat gawin nalang mahila pababa ang tao,” hanash ni Rudy.
Si Rudy ang kontrobersyal na psychic na nagke-claim na siya ang nakahula ng pagputok ng bulkang Taal, ang ibang sakuna tulad ng bagyo, lindol at malaking sunog.