Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MUKHANG nalagay sa alanganin si AJ Raval pagdating sa kanyang relasyon dahil na rin sa tila pagkadisgusto ng boypren niya for almost 2 years palang na si Axel Torres, sa kanyang sexy image packaging pagdating sa showbiz career.
Kung matatandaan, kamakailan lang, ilang linggo lang halos ang nakalilipas nang buong pagmamahal na binunyag ni AJ na in relationship siya kay Axel at nitong Mayo 2020 lang sila naging magsyota.
Mas lalo raw tumindi ang pagtatalo nila ng boypren nang gawin ni AJ ang latest movie niyang ‘Taya’ under Viva Films.
“Ayaw niya ng mga daring roles. Hindi po ako magsisinungaling. Hindi po ako magpapakitang-tao. Yun po ang pinaka-reason,” direktang sinabi ni AJ sa panayam.
Sa pagtatalo nila ng dating boypren ay nauwi sa isang desisyon si AJ, kung itutuloy ang kanyang showbiz career na nagsisimula nang pumaimbulog o tigilan ang pagpapaseksi sa movie para hindi sila magtalo ni Axel.
“To be honest po, marami kaming naging problema sa career namin kaya nag-end po nang maaga yung relationship namin.
“Gusto ko pong ipagpatuloy yung karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa sa love life,” sey pa ni AJ.
Inamin din ni AJ na sa mga maiinit na eksena nila ni Sean de Guzman, ang kanyang naging leading man sa mga pelikulang ginawa tulad na lang ng “Nerisa” at sa “Taya”, nagsimulang maging seloso ang boypren at naging madalas na ang kanilang pagtatalo.
***
BISI-BISIHAN na matuturing ngayon si Barbie Forteza. Bukod kasi sa regular siyang cast every Sunday sa “All Out Sundays” ay may tinapos din siyang isang episode para sa programang “Daig Kayo Ng Lola Ko,” ang “Captain Barbie”.
Pero para kay Barbie, kung meron man siyang wish na gawin ngayon bago matapos ang taon, ito ay ang makagawa ulit ng isang heavy drama na serye. Ang huling dramahang sinabakan niya ay ang “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday” na nagtapos na noong March.
“Naku, sa totoo lang, miss na miss ko na,” pag-amin niya. “Miss na miss ko nang umarte in general. May work ako ngayon, pero All Out Sundays…so super dance, super host…na nae-enjoy ko rin. Kasi, kasama ko ang mga kaibigan ko ro’n and enjoy na enjoy ko rin ang variety [show]. Natsa-challenge ako every time na sumasayaw ako.
“Pero s’yempre, hindi pa rin mawawala sa akin ’yung first love ko, which is pag-arte na huli ko pang na-experience e, dito sa Daig… na sobrang fun, very cute, very sweet ang character. Pero ang pinaka-namiss ko ’yung talagang heavy drama,” say ni Barbie.
Siguro naman sa tagal-tagal na rin naman niya bilang loyal talent ng Kapuso Network ay may chance rin siyang mag-suggest ng isang project na gusto niyang gawin?
“Hindi ako magsa-suggest kung hindi naman hinihingi ang suggestion ko. Hindi ako manghihimasok. Pero kung hihingian nila ’ko ng opinyon at bibigyan nila ko ng say, s’yempre, sasabihin ko kung ano gusto ko.
Sana magawa ko ulit… ke teleserye ’yan or pelikula,” aniya pa.