Advertisers

Advertisers

Shabu sa ulam, nakumpiska sa dalaw sa BJMP-11

0 353

Advertisers

DAVAO CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang 40-anyos na lalaki nang plano nitong ipasok sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-11 ang mga pakete ng iligal na droga na hinalo sa dala nitong ulam at siling labuyo.

Naaresto si Richard Caybot, residente ng Calinan, Davao City nang sumailalim siya sa inspection ng mga kawani ng Davao City Jail- Male Dormitory.

Napansin ng mga awtoridad ang nakahalo sa dalang pagkain ni Caybot at natuklasan nang kanila itong silipin na iligal na droga ito.



Inihalo ni Caybot sa dala nitong ulam ang 25 sachet ng shabu at 10 sachet pa na inihalo naman sa siling labuyo.

Tumitimbang ng 16 grams ang nakumpiskang iligal na droga na nagkakahalaga ng P256,000.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">