Advertisers

Advertisers

2 pulis at utol ng tserman huli sa sabong

0 310

Advertisers

Sinalakay ang isang ilegal na sabong sa Barangay Dahican sa Mati City, Davao Oriental Linggo ng umaga.

Kinilala ang dalawang pulis na sangkot sa sabong na sina Police Corporal Linwell Salvaña at Police Staff Sergeant John Declem Soriano, na pawang na-assign sa Provincial Intelligence Unit sa Davao Oriental Police Provincial Office; at ang sibilyan na si Noel Escasinas, na kinilala bilang kapatid ng isang barangay chairman sa lugar.

Tumugon ang pulisya nang makatanggap ng impormasyon kaugnay sa sabong sa barangay na ipinagbabawal ngayong pandemya.



Pagdating sa lugar, inabutan ng mga pulis ang mga sumisigaw na sabungero habang naglalaban ang mga manok.

Ayon sa pulisya, agad nagtakbuhan ang mga sabungero nang mapansin ang mga pulis sa lugar, pero tatlo sa kanila ang naaresto.



Narekober sa lugar ang tatlong panabong na manok, mga tari, at perang nagkakahalaga ng P170.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Presidential Decree 449 o ang Cockfighting Law of 1974 laban sa dalawang pulis at kay Escasinas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">