Advertisers
Ni JOVI LLOZA
AKALA ni Cesar Montano ay bibigay at susuko na ito sa pakikipaglaban sa Covid-19.
Hindi nga lang daw severe ang naranasan nito kungdi umabot pa ito sa critical tsika pa nito sa panayam sa Cristy Per Minute sa Singko.
Napaka-sports minded pa naman nito kaya ‘di naman nito inaasahan na magkaka-Covid.
Hindi naman nito malaman kung sa pagba-bike, paggo-golf or pagkain sa labas niya nakuha ito..
Dahil lahat naman ng pag-iingat ay ginawa nito sa health protocols na ipinatutupad kaya takang-taka ang aktor.
Kasabay naman niya nagka-Covid ang kaibigang si Alvin Anson.
Grabe nga raw ang paglaban ng actor sa killer virus.
Thankful ito na naka-survive sa sakit akala nito ay ‘di na niya kaya ang pneumonia na dumapo.
Malaking tulong daw ang paghiga nito ng nakadapa at healthy lifestyle. Kasama na rin nga ang dasal ng kanyang mga kaanak at kaibigan kaya nalagpasan nito ang Covid.
***
Anne ‘di makauwi-uwi kahit atat na mag-work
MATAGAL na ring ‘di nasisilayan si Anne Curtis. Last December 2019 ay nag-decide na ito na sa ibang bansa ipanganak ang kanilang first baby ni Erwan Heussaff na si Dahlia at doon muna mag-stay.
Pero tila nakaramdam na ng pagka-atat sa pag-uwi sa Pinas si Anne.
Nami-miss na raw ni Anne ang hosting, ang paggawa ng film at serye.
Nagbabalak na nga silang umuwi pero nauudlot dahil nga sa killer virus na Covid-19.
Nag-attempt na nga raw silang pamilya na umuwi pero mataaas na naman ang kaso ng Covid.
Dagdag pa sa pag-aalala ni Anne ay may anak silang kasama na bata pa.
Maybe next year ay okey na nga raw ang lahat at makabalik na silang mag-anak sa Pinas.
Sa susunod na taon ay kasado na rin ang gagawin nitong serye.
At wish nga ni Anne na makabalik na sa Pinas at baka naman kasi maabutan na pag-aaral ni Dahlia at ‘di na siya makapokus sa kanyang career
Well, well, well…’Yun na!