Advertisers

Advertisers

Pulis nanindak ng mga bagets, kulong

0 346

Advertisers

Arestado ang isang pulis nang ireklamo ng panunutok ng baril sa grupo ng mga kabataan na naglalaro lamang, sa tapat ng bahay nito sa Tondo, Maynila.

Sa report ng Manila Police District (MPD) kinilala ang naaresto na si Police Cpl. Medel Biloan na naka-assign sa intelligence section ng MPD Station 2.

Ayon sa ulat, naglalaro lamang sa labas ng bahay nitong madaling araw ng Huwebes, Setyembre 23 ang mga kabataan nang lapitan ito ng pulis at bumunot ng baril at itinutok sa mga kabataan.



Kasunod nito ang pagsigaw niya ng: “Pag hindi kayo pumasok, puputukan ko kayo ng baril sa ulo at pag naabutan ko kayo dadamputin ko na kayo!”

Agad naman na nag-report sa Moriones Police Station ang kaanak ng isang biktima na nagresulta sa agaran naman na pagkakahuli kay Biloan.



Nahaharap si Biloan sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 (The Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act), Article 287 ng RPC (light coercion), at grave misconduct si Biloan.

Napag-alaman na nakipag-inuman pa sa labas si Biloan at lumabag din sa ipinatutupad na health protocol.



Sa kabila nito, nagpaalala naman ang PNP na bantayan ang mga bata upang masiguro rin na sumusunod ang mga ito sa mga health protocol.