Advertisers
Patay ang isang transgender nang pagtatagain ng kanyang kainuman na hinipuan, sa Nabas, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Ronnie Tambong, 48, tubong Mansalay, Oriental Mindoro; habang nadakip naman ang salarin na si Raymund Salvador, 32, construction worker, tubong Kudyong, Libertad, Antique at kapwa naninirahan sa Barangay Gibon, Nabas, Aklan.
Sa report ng Nabas Police Station, naganap ang krimen Sabado ng gabi habang nag-iinuman ang biktima at salarin sa nasabing lugar.
Ayon sa salaysay ni Salvador na nalasing siya kaya sinamantala ng biktima na hipuan ito sa kanyang ari na kanya ikinagalit.
Sinabihan pa niya ang biktima na tigilan na nito ang ginagawa sa kaniya subali’t hindi ito nakinig.
Nakakita si Salvador ng itak at agad niya itong kinuha saka pinagtataga ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinasawi.
Sumuko naman sa pulisya si Salvador matapos ang krimen at posibleng maharap sa kasong pagpatay.