Advertisers
Muling nagpakita ng puwersa ang komunistang grupo nang salakayin at sunugin ng nasa 30 miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang ilang ari-arian ng landlord sa bulubunduking bahagi ng Mt. Balagbag ng Brgy, San Isidro sa siyudad ng San Jose Del Monte, Lunes ng gabi.
Sa report na tinanggap ni Lt.Col Eugine Garce, isang platoon nang Platun Uno GF Narciso na pinamumunuan ng isang alyas Ka Boyong ang umatake sa naturang lugar kung saan sinunog ang isang Nipa Hut na resthouse at isang malaking generator.
Sa ulat ni acting chief of police PLtCol Julius Alvaro, 7:00 ng gabi ng sumalakay ang mga rebelde.
Nabatid sa isang tourguide ng Mt.Balagbag na si alyas Rene ang nagbigay ng impormasyon kaugnay sa pagsalakay ng NPA.
Aniya, sinunog ng mga ito ang isang nipa hut (kubo), generator set at winasak ang pinanggalingan ng tubig sa tourist site na pag-aari ng isang nagngangalang Ernesto.
Nabatid na tumagal lamang ng halos 15 minuto ang mga ginawang panununog ng mga rebelde.
Una nang umikot sa lugar, ang grupo na umano’y na bigo na makakuha ng revolutionary tax. (Thony D. Arcenal)