Advertisers

Advertisers

Dahil sa frontline service: DPWH Region 1 kinilala sa CSC Awards

0 255

Advertisers

KINILALA ng Civil Service Commission (CSC) at ngayon ay maihahanay na sa mga ahensya ng pamahalaan na tumanggap ng natatanging karangalan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) – Regional Office 1 na naka-base sa San Fernando City, La Union dahil sa natatanging ambag nito sa public service excellence.

Sa isang virtual appreciation program noong Lunes, Sept. 27, 2021, ang DPWH Regional Office 1 sa pamumuno ni Director Ronnel M. Tan ay ginawaran ng Certificate of Appreciation ng CSC sa ika-121 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Kinilala din si DPWH Secretary Mark A. Villar ng CSC sa patuloy nitong paglilingkod sa bansa sa gitna ng umiiral na krisis, kalamidad at mga emergencies.



Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri ng CSC Regional Office at ng kanilang field offices, si Director Tan ng DPWH Region 1 Team ay napiling parangalan dahil sa…” unrelenting efforts and extraordinary services filled with admirable courage and dedication in performing sworn duties in the midst of the Covid-19 pandemic.”

Labis namang ikinatuwa ni Director Tan ang karangalang natamo ng DPWH Region 1 sa larangan ng frontline service mula sa CSC award.

“On behalf of the men and women of DPWH Regional Office 1, we are grateful to accept the recognition and overwhelmingly proud by the text of the certificate “you are all heroes”, pahayag ni Director Tan.

Nabatid na tanging ang DPWH Region 1 sa pamumuno ni Director Tan ang nag-iisang DPWH regional office sa bansa ang tumanggap ng ganitong karangalan mula sa CSC.

Ang sertipikasyon ng pagkilala ay bilang parangal sa DPWH Region 1 frontliners at sa kanilang hindi mababayarang kontribusyon upang mabawasan ang epekto ng pandemyang dulot ng COVID-19, gayundin sa kanilang pagtugon sa mga emergency situations.



Matatandaan na nagtamo rin ng karangalan ang (DPWH) Region 1 office sa ilalim ng pamumuno ni Director Tan, bilang Top Performing Implementing Unit ng nabanggit na kagawaran sa Unified Directors Meeting noong Sept. 10 sa Hilton Clark Sun Valley Resort, Clark Freeport, Pampanga.

Maliban pa dito si Director Tan ilang ulit nang kinilala ni Sec. Villar bilang most awarded Regional Field Executive sa mga nakalipas na taon.

Taglay ang pusong matatag, si Director Tan ng DPWH Region 1 ay ilan lamang sa kakaunting makabagong bayani na handang magbuwis ng buhay upang tumulong sa pakikidigma ng bansa sa pandemya at iba pang kalamidad.

Sa tuwing may bagyo, ang DPWH Region 1 na sumasakop sa Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte na nasa high alert dahil sa kalamidad ay mabilis na kumikilos upang bisitahin ang mga apektadong lugar at mag-check ng mga daan, tulay, public buildings, health centers, schools, flood mitigation structures, at iba pang pampublikong gusali.

Isinasakripisyo ng mga kalalakihan at kababaihan ng DPWH ang kanilang sariling kaligtasan upang makabigay ng suporta at unahing makapaglingkod sa mas nangangailangang mamamayan.