Advertisers
Ni JOVI LLOZA
INAMIN ng kampo ni Janella Salvador na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kaibigang si Julia Barretto.
Humantong pa nga raw sa punto na in-unfollow ni Julia sina Janella at ang bf noon na si Joshua Garcia.
Magkasama kasi dati sa serye sina Janella at Joshua sa Killer Bride.
Alam na nga raw nila kung ano man ‘yung intriga sa pagitan nina Julia at Janella.
Matatandaan pa nga ni Janella na noong buntis ito ay pinadalhan pa siya ng baloons ni Julia.
Pinasalamatan pa nga raw ni Janella ang padala na ‘yun ni Julia kaso di na nga sumagot pa ang batang Barretto.
Nanghihinayang nga si Janella at walang naging progreso sa pagkakaibigan nila ni Julia.
Baka nga raw siguro sa pagkakaroon nila ng ‘di pagkakaunawaan.
Well, if ever na magkasalubong sila sa ‘di sinasadyang panahon at pagkakataon ay baka nga raw maibalik ang naudlot na friendship ng dalawa.
Hmmmp!? Tignan natin!
***
GUSTO ng Team na sa pagbabalik tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay kakaibang story ang makita sa celebrity couple.
As in, isang taon din naman na ginawa ang script sa pagsasama-samang tulong ng Team.
At kahit naman ang KathNiel ay may kontribusyon para sa paggawa ng script ng bago nilang serye.
Grabe naman na-miss nina KathNiel ang isa’t isa na makapag work together again sa isang project.
To Good To Be True ang magiging titulo ng bagong serye ng KathNiel na pinag-isipan at pinaghirapan gawin.
Kaya ang followers ng KathNiel ay abangers na sa comeback sa telebisyon ng magdyowa sa bago nilang proyekto.
Well, well, well…’Yun na! .