Advertisers

Advertisers

Covid update: 10,019 bagong kaso; 7,425 gumaling; 109 patay

0 215

Advertisers

NAKAPAGTALA na ang Department Health (DOH) ng 109 bagong nasawi nitong Huwebes, Oktubre 7, matapos ang ilang araw na “zero deaths” dahil sa technical issue sa COVIDKaya.

Dahil dito nasa kabuuan ng 39,937 ang namamatay sa COVID-19.

Sa kabila nito, patuloy ang pagbaba ng kaso ng sakit sa bansa dahil nasa 10,019 lamang ang naitalang bagong kaso nitong Huwebes.



Mayroon namang 7,425 na bagong gumaling.

Dahil sa karagdagang ito, ang kabuuan na ng kaso sa bansa ay pumalo na sa 2,632,881 habang hindi naman nalalayo ang naitalang kabuuang bilang ng gumaling na sa sakit na nasa 2,478,616.



Ang aktibong kaso naman ay nasa 115,325.

Ayon sa DOH, maglalabas ito ng karagdagang bilang ng pumanaw ngayong araw sa hiwalay na abiso na hindi nakasama sa nakaraang case bulletin dahil sa isyu sa teknikal.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 5, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0% sa lahat ng samples na naitest at 0% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)