Advertisers

Advertisers

Duterte nagbanta magpapakulong ng senador ‘pag i-contempt ng Senado ang Cabinet

0 244

Advertisers

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na isasama niya sa kulungan kung ang kaniyang cabinet officials ay makasuhan ng contempt.

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang Cabinet members na huwag hayaan na silang bastusin o hindi irespeto, partikular si Senator Richard Gordon.

Ang Senate Blue Ribbon Committee kung saan pinamumunuan ni Gordon ay nasa gitna ng imbestigasyon sa biniling gamit para sa pandemya na umano’y overpricing noong nakaraang taon.



Sinabi ni Pangulong Duterte sa huli niyang pahayag na malamang ipakukulong niya ang mga senador na ito, at dagdag pa niya na wag hayaan si Gordon o ibang senador na sigaw-sigawan lang sila dahil pare-pareho silang nasa gobyerno.

Kaya siya nagbababala ng ganito sa senado dahil ayaw niya ng gulo, alam naman na may kapangyarihan din tumulong in aid of legislation. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">