Advertisers
PORMAL nang naghain ng certificate of candidacy si Vice President Leni Robredo bilang Pangulo sa 2022 national elections.
Si Robredo ay tatakbo sa ilalim ng Libreral Party, habang napili nitong running mate si Sen. Francis Kiko Pangilinan.
Magugunitang pinili ng opposition coalition na 1Sambayan si Robredo bilang pambato sa pagka-Pangulo dahil sa malinis na track record at performance.
“Buong-buo ang loob ko ngayon: Kailangan nating palayain ang sarili mula sa kasalukuyang situwasyon. Lalaban ako; lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022,” ani Robredo.
Muli na namang maglalaban sina Robredo at dating Sen. Bongbong Marcos na dati nang nagkasagupa sa Vice Presidential race noong 2016. (Jonah Mallari)