Advertisers

Advertisers

Pinay health frontliner patay sa suntok ng palaboy sa US

0 246

Advertisers

PATAY ang isang Pinay health frontliner nang suntukin ng palaboy habang naglalakad ito sa New York Time Square, New Jersey, USA nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Maria Amborocio, 58 anyos.

Sa report na natanggap ng Philippine Consulate sa New York, naglalakad ang biktima sa Times Square nang bigla itong atakihin ng isang hindi kilalang salarin na isang palaboy o homeless.



Ayon sa ulat, sinuntok ang biktima ng salarin at nabagok ang ulo nito.

Nanawagan sa mga awtoridad si Philippine Consul General Elmer Cato na gawin aniya ang nararapat upang maging ligtas sa mga kalsada ang mga naglalakad.



Nagpahatid ng pakikiramay ang konsulada ng Pilipinas sa New York sa mga pamilyang naulila ni Ambrocio.

Nitong nakaraang buwan, isang Pinay nurse din ang ginulpi ng mag-asawang black American nang bigyan nito ang mag-asawa ng facial mask na naganap sa loob ng train ng subway sa New York, at isa pang Pinoy na inatake sa nabanggit paring lungsod.(Lordeth B. Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">