Advertisers

Advertisers

Kylie at Andrea pinaiyak ang isa’t isa

0 900

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISANG malalim na pagkakaibigan ang nabuo sa pagitan ngayon ng mga Kapuso actress na sina Kylie Padilla at Andrea Torres simula nang magsama sila sa isang mini-series na WeTV Original series “BetCin”.

Isang lesbian movie at silang dalawa ang bida. Ika nga ni Kylie, ang first ever leading lady niya sa project ay si Andrea.



Kapwa may pinagdaranaan ang dalawa nang simulang mag-taping ng “BetCin” kaya sa pagtatapos ng taping ay nagbigay ng kanya-kanyang mensahe ang dalawa sa kanilang personal na social media account.

Aminado si Kylie na pumatak ang kanyang luha nang mabasa ang mga mensahe sa kanya ni Andrea.



“Love you always! Here for you always. Kahit na tapos na ang ‘BetCin’,” say ni Andrea.

“Love you! Thank you Ada, naiyak akooooo bakit mo ako pinapaiyak! Salamat talaga for this. It means everything,” komento naman ni Kylie sa post ni Andrea.



Hindi naman pinalagpas ni Kylie ang post ni Andrea sa pamamagitan ng sariling socmed account ay nagpost din si Kylie na kinomentuhan naman ni Andrea.

“I learned so much from this woman. I’m happy you were my first leading lady. Cheers to more projects with you! Another strong beautiful lady I’m blessed to have worked with,” pahayag ni Kylie.

“Huhu! Ako din pinapaiyak mo dito! That instant chemistry means something talaga! Hehehe. You’re precious. Di ako magsasawang sabihin sayong I love you, I’m always here for you, I miss you and I’m proud of you! Beautiful soul!,” komento naman ni Andrea sa post ni Kylie.

***

PRINCE SALVADOR, LALABAN NG SABAYAN

BAGUHAN man maituturing si Prince Salvador pero hindi matatawaran ang kanyang dedikasyon sa napiling karir, ang showbiz. Hindi sumuko si Prince kahit marami na ang nagsasabi sa kanya na hindi para sa showbiz ang gandang lalake at talino niya, hindi siya sumuko bagkus nag-acting workshop pa.

Sa suporta na rin ng kanyang talent manager na si Leo Bukas ay nabigyan ng chance si Prince sa pamamagitan ng pelikulang “Pornstar 2: Pangalawang Putok” ng Viva Films na pagbibidahan nina Ara Mina, Maui Taylor, Alma Moreno, at Rosanna Roces at ipakikilala ng Viva ang apat na baguhang sexy stars na sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Stephanie Raz, at Cara Gonzales.

Male counterpart naman nila sina Prince Salvador, Jet Delgado, Rash Flores, at Abed Green. Sa direksyon ni Darryl Yap

May butt exposure dito si Prince, hindi lang isang beses but twice. Ano ang nagbigay ng lakas ng loob kay Prince at ang unang putok niya sa pelikula ay hubaran at sexy?

“Nung nalaman kong gusto ako kunin ni direk Darryl sa movie at may butt exposure, ginrab ko na agad yung opportunity, since lalaki naman ako, wala naman mawawala sa akin,” say ng baguhang hunk na si Prince.

How about going frontal sa next project?

“Yung butt exposure ko sa movie is hindi naman sya sobrang big deal sa akin, professional ko syang ginawa at pag may pagkakataon na masama ulit ako sa isang movie na may butt exposure is iga-grab ko pa din, as long as kailangan, pwede ulit akong mag butt exposure.

“Gagawin ko sya bilang isang professional sa aking trabaho. Kahit anong sexy scene or sa bed scene pa. But for now, undecided pa ako para sa isang frontal scene,” dagdag na say pa ni Prince.