Advertisers

Advertisers

Covid-19 cases sa NCR 0.60 nalang

0 611

Advertisers

HIGIT pang bumaba sa 0.60 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) habang ang 17 local government units (LGUs) sa rehiyon ay nasa moderate risk na rin ngayon sa COVID-19.

Ito ay batay sa pinakahuling NCR COVID-19 Update na inilabas ng OCTA Research Group nitong Huwebes, na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account.

Nakasaad din sa ulat na ang seven-day average ng mga bagong kaso ng sakit na naitatala sa rehiyon ay bumaba pa sa 1,847 na lamang o 30% mas mababa sa bilang na naitala noong nakaraang linggo.



Ang positivity rate naman sa NCR ay nasa 11% na lamang.

Ang healthcare utilization rate (HCUR) naman sa rehiyon ay nasa 49% at ang ICU occcupancy rate ay nasa 65%.



“The NCR and all seventeen constituent LGUs were classified as moderate risk using our metrics (based on Covidactnow),” ayon pa sa OCTA.

Batay pa rin sa datos, ang NCR ay mayroong average daily attack rate (ADAR) na 13.05 per 100,000.



Sa 17 LGUs naman, ang San Juan ang nakapagtala ng pinakamataas na ADAR na nasa 28.68, sinundan ng Mandaluyong na may 21.25, Pateros na may 20.23, Taguig na may 20.05, at Marikina na may 19.23.

Ang mga lungsod naman na may pinakamataas na ICU utilization rates ay ang Taguig na may 100%, Muntinlupa na may 85%, Makati na may 81%, Las Piñas na may 79%, Mandaluyong na may 77% at Quezon City na may 73%.

Pinakamarami namang naitalang bagong kaso ng sakit ang Quezon City na may 472, Taguig na may 175, Maynila na may 173, Caloocan na may 124, Pasig na may 120, at Parañaque na may 105.

Pinakamataas din ang naitalang HCUR sa Quezon City na nasa 69%, Las Piñas na may 62% at Muntinlupa na may 61%.

Ang NCR ay nasa Alert Level 4 pa sa COVID-19 hanggang sa Biyernes, Oktubre 15, at mailalagay na sa Alert Level 3 simula sa Sabado, Oktubre 16 hanggang sa Oktubre 31. (Andi Garcia)