Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 7,835 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Oktubre 14.
Samantala ay mayroon namang naitalang 5,317 na gumaling at 154 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (84,850) ang aktibong kaso, 95.4% (2,573,161) na ang gumaling, at 1.49% (40,221) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 12, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.3% sa lahat ng samples na naitest at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)