Advertisers
Patay ang 19-anyos na estudyante sa paghahanap ng signal ng telepono sa Calbayog City, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si John Rey Dultra ng Barangay Rizal 1 sa nasabing syudad.
Ayon sa ulat, sinusubukan ng binata na maghanap ng signal ng kanyang telepono nang bigla itong madikit sa live wire dahilan para makuryente at agad nitong ikinamatay.
Hindi naman nakitaan ng pulisya ng kahit na anumang senyales ng foul play ang insidente.